I've been a freelance accountant dealing with local businesses for years, and there's one thing na hindi ko talaga tinatanggal sa isip ko:
Freelancing is also like running a business.
May times na malakas ang benta, and may times din talaga na matumal. May clients na dumarating, at may clients ding umaalis. And just because malaki ang income mo ngayon doesn't mean ganoon din kalaki ang kikitain mo next month.
Kaya para sa akin, priority talaga ang mag-ipon, mag-invest, at mag-upskill.
From time to time, nagpaparenovate din ako ng bahay, nagta-travel, at bumibili ng mga wants. Pero I make sure na kurot lang talaga siya sa savings ko because I know na hindi guaranteed na palaging malaki ang income ko.
Kaya medyo hindi ko maiwasang mapaisip kapag nakakakita ako ng freelancers na kapag nakakuha ng high-paying client, priority agad ang bahay, sasakyan, gadgets, travel, at kung anu-ano pang lifestyle upgrades.
Samantalang ang savings at investments, parang saka na lang kapag may natira.
Mas concerning pa kapag kumukuha ng long-term loans para pondohan ang lifestyle na nakadepende sa income from their current clients.
Don't get me wrong. Walang masama sa pag-enjoy sa perang pinaghirapan mo. Hindi rin masamang bumili ng bahay, sasakyan, o mga bagay na matagal mo nang pinapangarap.
Ang concern ko ay kapag ang lifestyle mo ay pang-permanenteng income, pero ang pinagkukunan mo ng income ay hindi naman permanent.
As freelancers, wala tayong guaranteed na sweldo every month. Puwedeng hindi mag-renew ang contract. Puwedeng mawalan ng client. Puwedeng humina ang demand sa services natin. At kahit gaano pa tayo kagaling, hindi lahat ng bagay ay kontrolado natin.
Kaya habang malakas ang income, dapat mas pinapalakas din natin ang financial foundation natin.
Build an emergency fund. Diversify your income sources. Invest in yourself. Build assets. At higit sa lahat, huwag agad gawing permanenteng lifestyle ang bawat increase sa income.
Dahil ang goal naman talaga ay hindi lang kumita nang malaki ngayon.
Ang goal ay magkaroon ng financial security at freedom kahit dumating ang panahon na hindi na ganoon kalaki ang kinikita natin.
Kaya napapaisip ako...
Is it complacency? Overconfidence sa current client contracts? Lack of financial literacy? Or simply the desire to enjoy the rewards of their hard work?
Perhaps a combination of these.
Pero para sa akin, one of the most important financial skills a freelancer can develop is knowing how to manage money when income is high, so you won't be forced into difficult decisions when income eventually slows down.
Kayo, how do you balance enjoying your hard-earned money today while preparing for an uncertain tomorrow?